life’s lesson from kikay stuff

All I Really Need to Know, I Learned in Ka-kikayan

Sabi nila, ang mundo daw ay isang napakalaking
classroom kung saan ka hinahainan ng sari-saring
leksyon tungkol sa buhay. Kung si Robert Fulghum,
maraming natutunan nung Kindergarten sya, ako naman,
may mga natutunan sa kakikayan.

The overused shoes

When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I
found what I think was the best shoes I’ve ever had.
It was a blue and white slip-ons with a flower on its
strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na naghanap
ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano
Davao nahanap iyun. And I bought the shoes for 500
lang! Feeling ko pa, suwerte ako dahil last pair na
iyun. And it was my size!

Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At
napakalambot niya! I wore the shoes everyday because
they would match anything… denim, slacks, capri
pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at
the mall, in church, even at the beach!

Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na
siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang
taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May Margay
naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may
ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat
ng display ng Margay pero wala akong nakitang katulad
nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa
Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may
makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga
ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na
kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na. Kaso wala.

Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko — na malambot
at may naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa
kahit anong damit ko — ay sira na ngayon. Hindi lang
siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang
i-glue ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya
maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko
hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder
naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of
shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.

Lesson learned:

Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay
perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag
mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang
mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipin
na "sana, inalaagaan ko siya."

2. The "maganda siya pero masakit" shoes

May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang
ang presyo. Maganda ang material. Kikay ang hitsura.
At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May isang
problema nga lang… masakit sa paa.

Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang
matigas ang ulo ko. Kaya ayun, binili ko.

Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit
naman talaga sa paa ang bagong sapatos. Pero habang
lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi siya meant
sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang
gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating
ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa ko. At ilang
linggo din akong may peklat sa paa dahil sa diyaskeng
sapatos na iyun.

Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa
at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag mo
nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong
masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?

Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake
na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang
kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang kasi
unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mong
eventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga
pa, iwasan mo na.
Lesson learned:

Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka
lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka
mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis
kailan man.

3. The shoes that got away

May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura
lang, less than 500 lang siguro. Kakaiba din siya kasi
hindi siya iyong style na makikita mo sa babaeng
katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang
strap niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga
eh. tapos, two inches iyong heels niya. Sinukat ko
minsan, ang ganda sa paa!

Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya
eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag. Saka
kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya sabi ko,
next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na
sapatos na yun.

Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang
sapatos na gusto ko bilhin pero hindi ko mabili-bili.
Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya
kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na
kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print.
Naisip ko agad ang polka-dots na matagal ko na gusto
bilihin. Pero pag-punta ko sa Landmark, wala na siya
doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang
printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero
wala akong choice kasi kailangan ko na nga.
Lesson learned:

Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the
day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at
mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin
gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi
mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na
abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa.

4. The perfect shoes

Kailangan ko bumili ng old rose na sapatos na babagay
sa aking damit. A-attend kasi ako ng kasal ng kaibigan
ko. Alam nating lahat kung gaano kahirap maghanap ng
perfect na sapatos. Lalo na kung old rose ang kulay
nito. Dalawang oras yata ako naglibot sa Glorietta
para lang makahanap ng sapatos.

Hanggang nakakita ako sa Landmark. Hindi siya old rose
kundi pink pero pagod na ako maghanap. At desperado na
ako dahil malapit na silang mag-sarado. Kaya nagpasya
ako na pagtiyagaan na lang kung ano iyong nandoon.
Kahit hindi naman talaga iyon ang gusto kong bilhin.
Puwede na iyan, naisip ko.

Noong hiningi ko ang size ko doon sa tindera, sinabi
sa akin na hindi na sila nagtatanggap dahil sarado na
sila.

Noong pauwi na ako, I realized that that experience
was trying to tell me something. Maybe it wasn’t meant
to be. Maybe I shouldn’t settle for anything less.
Paano kung binili ko nga iyong pink na sapatos tapos
may nakita akong old rose na sandals? Baka sinasabi sa
akin ng tadhana na kailangan maging patient ako, at
mag-hanap pa sa ibang mall para makita ang tamang
sapatos.

Kinabukasan, nakahanap ako ng old rose na sandals sa
Megamall. As in bagay doon sa damit ko. At nabili ko
pa ng sale! Kung pinagtiyagaan ko iyong nasa Landmark,
siguro hindi na ako naghanap sa ibang mall. At siguro,
nagtitiis ako sa pink na sandals ganoong mayroon naman
palang old rose.

Lesson learned: Don’t settle. Minsan, dahil sa pagod
na tayong maghintay, o dahil sa desperado na tayo,
pinagtitiyagaan na lang natin kung anong nandiyan.
Parang wala na tayong ibang choice. Pero kung
tutuusin, kung maghihintay lang tayo, at maging
patient, darating din iyong para sa atin. At hindi
lang sapatos ang tinutukoy ko. It could be the right
guy or the right job or whatever.

Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong
leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay bili ko eh,
para mas marami pa akong matutunan.

More kikay lessons


The chipping nail polish

Nagta-type ako sa keyboard nang mapansin ko na
nagsisimula nang mag-peel yung nail polish sa kuko ko.
Kaagad akong naglagay ng top coat. Nabasa ko kasi sa
Cosmo na iyong top coat, nagpapatagal ng kulay ng nail
polish. At nagpe-prevent na mag-chip iyong kuko.

Pero noong sumunod na araw, lalong lumala iyong
pag-peel ng nail polish. Medyo nalungkot ako. Kasi,
wala nang makakapigil pa sa pagkakasira ng kulay ng
kuko ko.

Pero kung iisipin natin, ang nail polish, parang life
lang yan. No matter how hard we try to make it last or
stay longer, we couldn’t stop the inevitable. Lahat ng
bagay, nag-de- the end. Hindi mo na kayang pigilan ang
nakatadhana. May mga relasyon na hindi nagtatagal. May
mga pagmamahal na namamatay. Kahit na tambakan mo man
ng top coat ang kuko mo, kahit anong ingat mo man,
matatanggal at matatanggal pa rin ang nail polish.
Kaya burahin mo na lang at ihanda ang mga kuko sa
bagong nail polish na i-a-apply mo. Kailangan mo
mag-move on. At magsimulang muli. Pero dapat, bago ka
mag-apply ng bagong nail polish, siguraduhin mo na
wala ng trace ng lumang nail polish. Bago ka pumasok
sa panibagong relasyon, dapat, completely over ka na
doon sa dati. Para simula ka sa clean slate, di ba?

Lesson learned: Huwag malungkot kung may isang bagay
na natapos. Puwede ka pang magsimulang muli. At puwede
kang sumubok ng mas magandang nail polish.

The misplaced anklet

Noong binigyan ako ng kaibigan ko ng blue na anklet,
sobrang na-excite ako kaya sinuot ko siya agad. Pero
dahil lagi akong nakamaong, at hindi nakikita ang
anklet ko, nag-decide ako na gamitin sya as bracelet.
Maluwang sya, oo, pero keri na rin. Alam ko hindi iyon
ang dapat nyang lugar, kaya nga siya anklet eh para sa
ankle, di ba? Siguro, feeling ng anklet ko, misplaced
sya… na hindi iyon ang dapat nyang kalagyan. Pero
noong ginamit ko siya bilang bracelet, napansin siya
ng mga tao. Ang dami nga nag-bigay ng compliment at
sinabing ang ganda daw ng bracelet ko.

"Kaya lang, parang maluwang," sabi noong isa. Inamin
ko na na anklet talaga iyon kaya maluwang.

Misplaced anklet nga siya. Pero at least
nare-recognize naman siya. Kesa naman gamitin ko as
anklet, walang makakapansin sa kanya.

Kinabukasan, ginamit ko siya uli. Noong tanghali,
napansin ko na lang na wala na sa braso ko yung
anklet.

"Nilayasan ka na ng anklet mo kasi hindi niya
nakayanan na ginagawa mo siyang bracelet," sabi ng
kaibigan ko.

Tinawanan ko lang siya. Pero napa-isip ako. Bakit ko
ba kasi pinilit na gawing bracelet ang anklet? Parang
pinipilit ko ang isang tao na umasta ng hindi naman
natural sa kanya. Akala ko kasi, mas okay yun kasi
nare-recognize siya, kahit na hindi naman talaga iyon
ang purpose niya sa buhay.

Lesson learned: Ang anklet ay para sa ankle, hindi sa
wrist. Hindi mo puwedeng idikta sa ibang tao kung ano
ang dapat nilang gawin, at kung saan sila pupuwesto.
Kahit na sabihin mo na para sa ikabubuti nila ang
ginagawa mo, kung hindi naman sila masaya, bale wala
rin. Baka mawala lang sila sa iyo.

Sabi nila, ang mundo daw ay isang napakalaking
classroom kung saan ka hinahainan ng sari-saring
leksyon tungkol sa buhay. Ano kaya ang puwedeng
matututunan sa walang kulay na lipstick? O sa
anti-dandruff na shampoo? O sa plastic eyelash curler?
O sa pekeng Prada wallet na binebenta sa bangketa? Ah,
ewan… makapag-lagay na nga lang ng bagong nail polish.

- anonymous -

3 Responses so far »

  1. 1

    mArLyN said,

    August 26, 2005 @ 4:12 am

    this article really brought nice hints about life…ha!ha!ha!God is so wise that even the simplest things in this world could bring great lessons!
    i never thought that looking for our one true love is just like looking for the best shoes that fits us..he..he..its really hard looking for that perfect one…i also have that ideal one..and i’m still searching for him..waiting for a long time…
    each of us has its own ideal man/woman..just like a pair of shoes..we’re setting these standards that would fit us..but then after all…the one we’re falling for is an exception of those standards..
    just like you..me too..really treasure all those people who really bring beauty into my life..coz i’ll never find someone like them…
    but i don’t know why eventhough a pair of shoes would hurt my feet..i still want to try it..maybe because i’m not afraid to be hurt..coz i know..i’ll never know the true meaning of love without taking the risks ..that is to be hurt in the end…
    he..he..
    nyway..ur article is too long but then its worth reading nmn…
    keep on posting some more!!
    =)

  2. 2

    Dtqqrjqh said,

    December 21, 2008 @ 6:10 pm

    Hey, i save funny photos
    here

  3. 3

    bloongelayeda said,

    January 1, 2009 @ 11:46 am

    Bite my shiny metal ass, assholes, you were joked!

Comment RSS · TrackBack URI

Say your words